AYAN, nakatikim ng lecture kay Vice Ganda ang bashers niya na binatikos ang tweet ng komedyante na, “Andaming nag-aaway, andaming galit, andaming nagkakagulo sa Twitter, sa FB, sa IG. Valakayojen! Shopping muna ‘ko. More shoes! More outfit! More fun! My life is sooo good!”

Vice copy

I l a n s a n a g i n g r e aksyon ng ne t i z ens ay: “Sobra. Insensitive na, privileged pa. hay.” May nagsabi ring: “Makabili din sana siya ng sensitivity at empathy.” Mayroon ding nag-react ng: “This tweet reeks of privilege, but what do we expect from her.”

May habol pang: “Na-realize niya na mali siya kaya may pambawi siyang tweet.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

‘Di naman pinalampas ni Vice ang pamba-bash sa kanya kaya ganti niya: “Eto ‘yung ilan sa mga muntik nang ma-stroke dahil sa pagsa-shopping ko. I do not know lang ha! Kissssshh nga mga mamshies.”

May ka sunod pa siyang tweet na: “Nag-tweet lang ako ng magsa-shopping ako sinabihan na ‘ko ng mga feeling woke ng “Privileged!” Bakit ako lang ba nakakapag-shopping sa buong mundo? Mga sh*nga! Punta ka ng mall, kahit walang trabaho nagsa-shopping!!! Dunung-dunungan ang mga p*tahang feeling woke!”

Sinundan pa ng, “And I don’t have to brag my monetary capabi l i t ies . Everybody knows I’m a millionaire because I’m a hardworking Filipino. Bitch! Sabay hampas ng balakang. Catwalk. Exit.”

Ang l a s t twe e t ni Vice, “Sa mga Pilipino, ‘di pagiging ‘PRIVILEGED’ ang pagsa-shopping. Kahit mahirap nasa mall at may binibili. Kaya nga andaming mall sa ‘Pinas dahil trip ‘yan ng mga Pinoy. At kahit isa lang ang binili mo at sale pa, shopping pa din ‘yun.”

Nabanggit pa ni Vice na ang mga feeling “woke” at mga “woke-wokan” ang mga pinaka-toxic na tao sa social media at ‘yun ang “true at real”.

“You don’t just say or tweet the word empathy. You stand up and help. May mga natulungan na ba kayo? May mga nasagip na ba kayo? Maka-empathy lang ang mga p*taha! Nag-shopping lang, wala nang empathy! Empathy mo mukha mo.”

In the end, tweet ni Vice, “Aminin n’yo, nag-e-enjoy kayo sa mga hanash ko! Hahahaha! Actually in-enjoy ko din. O siya na vorlog na kayo at rarampa na ‘ko talaga. Yabyu!”

-Nitz Miralles