PORTLAND, Oregon (AP) — Nagtamo ng baling tadyang si Portland star guard Damian Lillard sa Game Two ng Western Conference finals laban sa Golden State Warriors.

LILLARD: Asam mahila ang serye laban sa Warriors

LILLARD: Asam mahila ang serye laban sa Warriors

Kinumpira ito ni Lillard nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa bisperas ng Game 4 na muling iho-host ng Portland. Naghahabol ang Blazers sa 0-3 matapos mabigo, 110-99, sa Game 2 nitong Sabado. Kumana si Lillard ng 5 of 18 shooting para sa kabuuang 19 puntos.

Unang naireport ang naturang injury sa The Athletic. Ayon kay Lillard, ang injury ay sa kaliwang bahagi at nagsuot siya ng protective padding sa Game Three.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I don’t think it’s something that’s affecting my game. It’s there but it’s not something that’s affecting anything that I’m doing. Obviously you feel it, but that’s it,” aniya.

Natamo niya ito sa third quarter nitong Huwebes nang madaganan ni Golden State center Kevon Looney sa agawan sa bola. Aniya, nakakaramdam siya ng pananakit sa sandaling nagkakaroon ng contact sa karibal na players.

“Obviously it’s frustrating. I think Game Two, we had that game. We let that one slip away. Had a double-digit lead in Game Three, let that one slip away as well,” pahayag ni Lillard. “So I think it’s frustrating for that reason. Because you could be up 2-1, and you’re down 0-3. And you look at the numbers and it’s a slim chance of you winning the series like that. But I mean we got a lot to play for: Obviously you never know when the first time is going to happen. We could be the first team to do it.”

Wala pang koponan sa kasaysayan ng NBA na nakabangon at nagwagi mula sa 0-3 ng playoff