Blazers, walang ningas sa GS Warriors sa Game 1 ng WC Finals

OAKLAND, California (AP) — Kung may alinlangan pang nalalabi sa mga kritiko ni Stephen Curry, may panahon pa para magbago ang pananaw.

TULAD ng inaasahan, binalikat ni Stephen Curry ang opensa ng Golden State Warriors sa dominanteng opening match ng best-of-seven Western Conference Finals laban sa natigagal na Portland Trail Blazers. (AP)

TULAD ng inaasahan, binalikat ni Stephen Curry ang opensa ng Golden State Warriors sa dominanteng opening match ng best-of-seven Western Conference Finals laban sa natigagal na Portland Trail Blazers. (AP)

Nagpakalawa ang two-time MVP ng siyam na three-pointers para sa kabuuang 36 puntos para sandigan ang Golden State Warriors sa 116-94 paggapi sa Portland Trail Blazers, 116-94, nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Game 1 ng Western Conference finals.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tumipa si Curry ng 12 for 23 para sa ika-apat na 30-point performance sa postseason. At sa ikalawang sunod na laro, kabilang ang pagsibak sa Houston Rockets sa Game 6, pinangunahan ni Curry ang Warriors na sinasabi ng mga kritiko na humina at malalaglag sa kangkungan sa pagkawala ni Kevin Durant na nagtamo ng injury sa Game 5 ng playoff kontra sa Houston.

Sinisiw ni Curry ang matikas na Portland duo nina Damian Lillard at CJ McCollum, na nalimitahan sa pinagsamang 11 for 31 shot.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 26 puntos, tampok ang one-handed slam na tuluyang nagpasidhi sa pagdiriwang ng Dub Nation sa Oracle Arena. Nag-ambag si Draymond Green ng 12 puntos, 10 rebounds, limang assists, tatlong blocks at dalawang steals.

Kumana si Lillard, ipinanganak at lumaki sa Oakland, ng 19 puntos, habang tumipa si McCollum ng 17 puntos, ngunit malamya sa long distance shot na siyang naging sandata niya para pangunahan ang Blazers sa pagdispatsa sa Denver Nuggets sa Game 7.

Host uli ang Warriors sa Game 2 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) kung saan posible nang magbalik askiyon ang two-time reigning NBA Finals MVP na si Durant.

Inabangan ang posibleng match-up ni Steph sa nakababatang kapatid na si Seth, ngunit hindi masyadong naging lutang ang Portland guard na kumana lamang ng 36.1% shots.

“The Warriors were a special team that year that they swept us,” pahayag ni Blazers coach Terry Stotts patungkol sa nakalipas na playoff match up sa Golden State.