MALINAW sa post ni JM de Guzman na itinatanggi niya ang balitang nagtatago siya ngayon pagkatapos niya umanong ma-involve sa away sa isang bar sa Quezon City kamakailan.

JM copy

Nag-post si JM ng, “Who’s hiding?”, at may hashtags na #solidevidence # y o u r e g o n n a g e t i t # C C T V #wearepeacefulharmlesshumanbeings.

Nabalita kamakailan na inireklamo raw si JM at kasama niyang foreigner ng real estate broker na si Pitt Norman Zafra, na umano’y pinagtulungan nilang bugbugin. Nangyari umano ang insidente sa isang resto bar sa Malingap Street, Barangay Teachers Village West sa QC.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ang sabi sa report, hinahanting daw ng mga awtoridad si JM at ang kasamahan niya pagkatapos nila umanong t u m a k a s ma k a r a a n g saktan si Zafra. Hinahanting daw ang d a l a w a para alamin ang k a t o t o h a n a n s a iginigiit ni Zafra na basta na lang umano sinuntok ng foreigner na kasama ni JM ang biktima, na sinundan daw ng paninipa ni JM dito.

-NITZ MIRALLES