SA Tonight With Boy Abunda, nilinaw ni Kit Thompson na hindi siya nanligaw at lalong hindi naging sila ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Kit at Pia

Sa kanyang guesting sa talk show ni Boy Abunda, tinanong si Kit ng isang netizen kung nagkaroon ba sila ng relasyon ni Pia.

“Hindi , ” ani Kit.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi rin daw siya naging attracted kay Queen P.

Sa kabila nito, sinabi ni Kit na good friends lang sila ng dating Miss Universe.

“She helped me a lot,” banggit ni Kit nang i-flash ang mga pictures nila ni Pia kasama ang commercial agent ni Kit.

“Even though we’re managed by different people, we still help each other. Nagka-hangout lang kami one time and we just… clicked. And kept hanging out even more.”

“Lucky ones” rin ang tawagan nina Pia at Kit, dahil noon daw ay nanangarap lang sila pareho na mapunta sa New York.

“And one day we were all in New York and wow, we’re lucky. That’s why we came up with the lucky ones,” kuwento ni Kit.

In a relationship din si Kit sa ngayon, at one year and seven months na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Kung magkakaroon naman daw ng offer ang girlfriend niya to join showbiz ay hindi pipigilan ng aktor ang nobya.

Isa si Kit sa mga bida ng pangunahing Kapamilya serye na Sino Ang May Sala? Mea Culpa, sa ABS-CBN, kasama sina Tony Labrusca, Jodi Sta. Maria, at Bela Padilla.

-ADOR V. SALUTA