MAAARING tumawag sa The National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline numbers na 0917-899-USAP at 989-USAP ang mga kailangan ng kausap kung dumaranas ng depresyon o anxiety.

HOTLINE

Inilunsad ng National Center for Mental Health (NCMH) nitong Huwebes ang 24/7 phone services para sa mga Pilipinong nangangailangan ng payo tungkol sa nararamdamang krisis sa kalusugang pangkaisipan.

"The hotline aims to reach out to those who do not have the immediate means to seek advice and serves as an avenue to offer hope and care for those who have mental health issues," pahayag ni NCMH Medical Center chief, Allan Troy Baquir, sa kanyang talumpati nang ilunsad ang hotline sa Mandaluyong City.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Ayon kay Baquir, makatutulong ang hotline counselors sa mga psychiatric emergencies, suicidal thoughts, depression, grief at loss, relationship issues, sexual abuse, domestic violence, gender identity at sexual orientation issues, school at career issues.

Maaari rin silang magrekomenda sa mga caller ng ibang mga ahensiya para sa partikular na serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan sa iba’t ibang parte ng bansa, ngunit ang mga ituturing na higit na nangangailangan ng tulong ay agad na lalapatan ng kaukulang lunas, aniya.

Ayon sa World Health Organization, tinatayang 800,000 katao ang namamatay taun-taon dahil sa pagpapatiwakal.

Ang NCMH Crisis Hotline numbers, 0917-899-USAP at 989-USAP, ay isa lamang sa mga estratehiya ng Department of Health (DoH) para mapigilan ang mga kaso ng pagpapatiwakal at solusyon sa problema sa mental health, katuwang ang mga non-government agency at stakeholders para sa mas matatag na mental health ng mga Pilipino.

"There is hope. Recovery is possible. There should be no shame in seeking help," sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

Dagdag pa niya, target din ng hotline na padalhan ng mensahe ang mga dumaranas ng problema sa mental health upang maipabatid sa mga ito na "they are not alone and it is okay to not be okay".

 PNA