Bilang bahagi ng pagtiyak na maayos at malinis ang gagawing halalan sa Lunes, kabi-kabilang monitoring system ang ilulunsad ng gobyerno, katuwang ang iba’t ibang organisasyon sa bansa.

READY NA RIN Binuksan ng PPCRV sa media ang command center nito sa isinagawang walkthrough press conference ngayong Miyerkules. (JANSEN ROMERO)

READY NA RIN Binuksan ng PPCRV sa media ang command center nito sa isinagawang walkthrough press conference ngayong Miyerkules. (JANSEN ROMERO)

Isang Election Task Force (ETF) at monitoring center ang itatayo ng Department of Education (DepEd) sa mga sangay at opisina nito sa bansa upang umagapay sa mga public school teachers na mangangasiwa sa botohan sa Lunes.

Ayon kay Briones, isa ang DepEd sa mga itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) “[to] ensure free, orderly, honest, peaceful and credible elections” sa pagtatalaga ng mga guro sa mga pampublikong paaralan upang magsilbing chairpersons at miyembro ng Electoral Board, gayundin bilang technical support personnel.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

230,000 GURO, HANDA NA

Kinumpirma rin ngayong Miyerkules ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na mahigit 230,000 public school teachers ang handa nang magsilbi sa eleksiyon sa Lunes.

“We are all systems go. About 36,000 schools are polling centers for these elections, we are all systems go,” ani Malaluan. “Hindi lang DepEd ang involved dito, PNP for security and even AFP is involved in maintaining peace and order.”

HONORARIUM, CASH

Tiniyak din ng opisyal na ang mga gurong magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) ay cash na matatanggap ang kanilang honorarium.

“Dati, we introduced cash cards to pay them immediately pero may mga observations na mas mabuti pa ang outright cash, so we are shifting back to a cash-based payment and not through a cash card,” ani Malaluan.

Sinabi naman ni Briones na ang ETF Operation at Monitoring Center ay magsisilbing “institutional link to volunteer organizations, individuals, as well as partner agencies involved in the conduct” ng DepEd para sa midterm election.

PROTEKSIYON NG TEACHERS

Ilang samahan din ng guro ang magkakaroon ng sariling monitoring para protektahan ang mga kapwa guro sa halalan.

Kabilang dito ang Quezon City Public School Teachers Association (QCPSTA), Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa mga hotline numbers na (02) 426-2238 at 0915-5719601/0947-7110427.

Nakipagtulungan naman ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Legal Network for Truthful Elections (LENTE) para sa election hotline sa mga guro. Bukas din ang Facebook accounts ng dalawang samahan para sa pagtanggap ng report o anumang sumbong tungkol sa halalan.

Ang mga numero ng TDC ay (02) 692-0296/ 0916-6126739 at 0942-1883814. LENTE hotline numbers: (02) 502-1591 at 0917-1066265/0947-1644158.

COMMAND CENTER

Samantala, binuksan na rin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang sarili nitong command center.

Bilang isa sa mga accredited na katuwang ng Comelec, tututukan ng command center ang unofficial parallel count at balidasyon ng mga boto sa pagkukumpara ng mga election returns sa mga impormasyong ipinapasa sa server.

Magbubukas ang command center 24-oras hanggang sa matapos ang bilangan ng boto, habang nasa 300,000 volunteers ang itatalaga ng samahan sa 85,000 polling precincts sa bansa.

-Merlina Malipot, Genalyn Kabiling, at Minka Klaudia Tiangco