UMALIS na sa talent management agency ang kilalang TV host/actress, dahil sa ilang taon daw niyang pamamalagi ay wala namang naibigay sa kanyang project ang nasabing agency.

Ang buong kuwento ng kilalang TV host/actress: “Lahat po ng inquiries, sa akin po dumadaan, tapos ipapasa ko na lang sa kanila (talent agency) para sa talent fee.

“Tapos magugulat ako na babalik sa akin ‘yung na-inquire na hindi na tuloy ang project kasi ang mahal daw ng quote ng manager ko. Tinanong ko kung magkano, at nagulat din ako kasi parang 4X ang quote sa TF ko. Eh sabi ko naman, okay ako sa ganitong presyo para makuha ang project kasi sayang.

“Eh hindi raw nagbaba ng presyo, so nawala ang project. Actually maraming beses nangyari na, so nakakahinayang din. Saka lahat naman ng inquiries sa akin din dumadaan, ako ang tinatawagan kaya naisip ko, hindi ko na siguro need ng manager kasi ako rin naman ang gustong kausapin.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

“Kaya ang nangyari, ‘yung ibang projects na tinanggap, actually sa akin, tapos kukuha sila ng komisyon. So parang ako ang nagbigay ng project sa kanila (talent agency), ‘di ba? Eh bakit pa ako magma-manager kung ganu’n?

“Actually, matagal na rin naman akong nakakakuha ng projects na walang manager, so naisip ko na ako na lang din, at least wala pang bawas,” paliwanag ng TV host/actress.

Oo nga, tama rin naman. Kaya pala ‘yung ibang talent manager na kilala namin ay mas gusto nilang hindi pa sikat ang mga artista, o sila mismo ang nag-discover para kung sumikat ay credit sa kanila. Hindi ‘yung naki-ride lang sila sa kasikatan ng talents nila.

May iba naman na kahit sikat na ang mga artista ay hirap makakuha ng projects, kasi sila mismo ay masyadong mahal mag-quote ng TF. Kaya need pa rin ng manager para sila naman ang pumagitna na puwedeng tawaran.

“Naku minsan hindi naman managers ang problema, minsan ang mga handler, kasi sa kanila na ipinagkakatiwala ang negosasyon. Hayun, sobrang taas kung magpresyo kaya iniiwan din,” hirit naman ng katsika naming producer ng shows.

Sabi nga ng nakatsikahan naming kilalang performer: “Huwag naman OA sa taas, dapat makatarungan lang kasi. Minsan kasi may mga handler na OA.”

Natawa kami dahil may inquiry kami sa isang singer at totoo nga, parang pang-Araneta Coliseum o MOA ang ibinigay na presyo ng talent fee, eh, guesting lang naman ang sabi namin sa isang out of town show na two songs lang. Wala lang, naaliw lang kami.

-Reggee Bonoan