ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (JCSGO Gym, Cubao)

12:00 n.t. -- Wangs Basketball vs SMDC-NU

2:00 n.h. -- CD14 Designs-Trinity vs Perpetual

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

4:00 n.h. -- UST vs Cignal-Ateneo

LUMAPIT sa namumunong Cignal-Ateneo sa Aspirants Group ang target ng University of Santo Tomas sa tampok na laro ngayong hapon ng nakatakdang triple header sa 2019 PBA D League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Kasalukuyang pumapangalawa ang Tigers sa kanilang grupo taglay ang 5-1, panalo-talong marka kasunod ng Blue Eagles na may 8-1 na kartada.

Marvin Lee ng Ironcon UST. (PBA Images)
Marvin Lee ng Ironcon UST. (PBA Images)

Pupuntiryahin nila ang ika-6 na panalo sa pagharap nila sa Chelu Bar and Grill sa ikatlong laban ganap na 4:00 ng hapon.

Sisikapin ng Tigers na patatagin ang kapit sa ikalawang puwesto para sa hinahabol nilang insentibo papasok ng playoff round.

Kababalik pa lamang ng UST sa win column matapos padapain ang McDavid. 111-90 sa nakaraan nilang laban kasunod ng una nilang kabiguan sa kamay ng Petron-Letran.

Sa panig naman ng Revellers, magkukumahog silang makabalik sa winning track matapos ang nakaraang kabiguan sa kamay ng Cignal-Ateneo na nagbaba sa kanila sa patas na 3-3 marka.

Hangad nilang tumabla sa pumapanglimang Go for Gold-CSB upang makalapit sa 4th spot na kasalukuyang okupado ng Petron-Letran (5-3) para patuloy na palakasin ang tdansang makasama sa top 4 ng kanilang grupo.

Mauuna rito, magtutuos sa unang laro ganap na 12:00 ng tanghali ang Wangs Basketball (3-4) at SMDC-NU (2-5) na kapwa nasa lower half ng Foundation Group na susundan ng bakbakan ng winless pa ring CD14 Designs-Trinity University (0-7) at University of Perpetual (1-5) ganap na 2:00 ng hapon.