ISANG bago, ngunit maituturing na high profile import ang kinuha ng TNT Katropa sa katauhan ng NBA veteran Terrence Jones para sa darating 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ang 6-foot-9 na si Jones ay personal umanong pinili ni TNT consultant Mark Dickel.

Matapos ang kanyang maningning na dalawang taong paglalaro sa Kentucky University, si Jones ay napiling 18th overall pick noong 2012 NBA Draft ng Houston Rockets.

Bukod sa Rockets, nakapaglaro din siya sa New Orleans Pelicans at Milwaukee Bucks sa NBA.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matapos ang stint sa NBA, naglaro si Jones sa China at sa ilang G-League teams.

Tubong Portland, Oregon, si Jones ay isa ring NCAA champion at naging bahagi ng 2018 NBA G League International Challenge. - Marivic Awitan