WAGAS ang tuwa ng cutest duo na sina Kikay at Mikay dahil meron na sila ngayong sponsor sa kanilang hair and make-up, si Leana Fiel ng Project Make UP.PH.

Dahil dito, sa tuwing may show sila sa SMAC Pinoy na Bee Happy Go Lucky show sa Channel 13, tuwing Biyernes ng hapon, ay sponsored na ang magpapa-beauty sa kanila.

Kaabang-abang din ang mga projects na naka-line up para sa dalawang bagets tulad ng pagiging endorser nila ng new product, na as of this writing ay hindi pa puwedeng sabihin.

May upcoming movies din sina Kikay at Mikay, ang Wind Chime, sa direksiyon ni Jes Land. Bukod pa ito sa educational film na gagawin nila, under Direk Michael Daya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Lead role naman si Mikay sa advocacy film na gagawin ni Direk Jigz Recto.

Nagbo-voice lesson din ngayon ang dalawa sa Blue Lights Studio, at ang professional coach nilang si Jerwin Nicomedez ang nagga-guide sa kanila para gumanda lalo ang kanilang singing voice.

At dahil summer vacation, hindi lang pagkanta ang tinututukan nina Kikay at Mikay kundi maging dance lessons, para mahasa pang lalo ang kanilang dance moves. Bukod diyan ay nagwo-workshop na rin ang dalawa sa Gymnastica, para lalo silang humusay sa paghataw sa dance floor.

“May kasabihan nga po na kapag may tiyaga may nilaga,” sabi ni Kikay.

“And in order to harvest, we have to wait, but please don’t make it too long to wait, Papa Jesus Christ,” hirit naman ni Mikay in English.

O sige, Kikay-Mikay, ipagdarasal din namin na maabot n’yo ang inyong mga pangarap na maging big stars sa showbiz world sooner than soon, para boom-patok ang lahat ng inyong mga pinaghihirapan at pinagtitiyagaan sa ngayon.

-MERCY LEJARDE