Nagsimula nang magpatupad ang Grab ng P50 multa sa mga pasaherong magkakansela ng kanilang bookings limang minuto matapos na makakuha ng masasakyan at sa mga hindi magpapakita sa pick-up points.
Ito ay upang mas mapaigting ang kampanya para sa mas responsableng ride-hailing.
"Grab is mindful that cancellations are frustrating for both the passengers and our drivers. At the same time, we are cognizant of the fact that sometimes, cancellations are necessary during special situations," ayon kay Grab Philippines President Brian Cu.
Ayon kay Cu, ang walang rason na pagkansela ay isa sa mga problema kaya bumababa ang kalidad ng transport network vehicle services (TNVS), kabilang ang pagpilit sa mga pasahero na kanselahin ang booking nang walang sapat na dahilan, at pagpili ng destinasyon ng pasahero, at labis na cancellations (dalawang beses kada oras, tatlong pagkakataon sa isang araw, at 5 beses kada linggo) para sa mga pasahero.
Dahil dito, nagtakda ang transport network company (TNC) ng mga inisyatiba at polisiya upang maiwasan ang pagkansela ng magkabilang panig:
Para sa mga drivers:
- Completion rate - parurusahan ang mga driver kapag sila ay nakakuha ng mas mababa sa kinakailangang completion rate.
- Driver Timeout – kapag binabalewala ng driver o ikinakansela ang booking requests, sila ay pansamatalang mawawala sa platform.
- Ratings and Complaints Analysis – ang mga driver na inirereklamo ng pasahero o mababa ang star ratings. Winawarningan ng Grab at sinuspinde o kalaunan ay banned ang mga driver na paulit-ulit ang paglabag.
- 5-Star Driver Tipping Feature – para sa mga driver na humigit at lumampas, ang bagong tipping feature kung saan maaaring bigyan ng reward ng mga pasahero ang driver ng 5-star rating.
Para sa mga pasahero:
- 30 GrabRewards Points – kapag kinansela ng driver ang ride, ang pasahero ay awtomatikong makatatanggap ng 30 GrabRewards points.
- Passenger Timeout – matapos ang labis na kanselasyon, ang account ng pasahero ay suspendido 24 oras.
- Cancellation Fees - P50 bayad para sa mga pasahero na magkakansela ng ride makalipas ang 5 minuto nang makakuha ng driver.
- No-show Fees - P50 bayad para sa mga pasahero na hindi sumipot sa kanilang pick-up point sa loob ng 5 minuto para sa GrabCar at 3 minuto para sa GrabShare sa pagdating ng driver.
"Our intention in implementing this new policy is to create a better ride-hailing ecosystem, where both passengers and drivers practice the responsible use of the Grab platform," paliwanag ni Cu.
-Alexandria San Juan