OPEN na ang comment box ng Instagram ni Coco Martin, pero umiiwas na siyang sagutin ang mga komento ng kanyang followers tungkol sa isyu sa kanila ni Julia Montes.

coco

Tuloy din ang pagpo-post ni Coco ng quotation cards ng mga mensahe ng gusto niyang sabihin sa mga gumagawa ng isyu sa kanya.

Nag-post siya ng quotation card: “People will provoke you until they bring out your ugly side, then play victim when you go there.”

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Dalawa pang quotation cards ang ipinost ni Coco.

“What God knows about you is more important than what others think about you. God knows your heart. Amen.”

“The God Behind You Is Stronger Than The Enemy In Front Of You.”

Samantala, ni-launch na si Coco as the newest endorser of Jag Jeans. Isa lang ito sa mga bagong endorsements ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano, na ang campaign para sa nasabing brand ay may tagline na: “What happens when the King of Primetime meets the Number 1 denim brand in the country? Jag 28, a celebration of two powerful i cons coming together and a denim line set to revolutionize how we wear our jeans today.”

B a g a y s a image at casual and low-key style ng pananamit ni Coco ang nasabing denim brand. Spotless, effortless and relatable ang kanyang style. Sabi nga ng campaign ad: “He’s a man whose outfits are classic but in step wi th the t ime s and also never e x c e s s i v e . Never theles s , his usual plain shirt and jeans seem to add mor e to his easy-going and predominantly Pinoy charm.”

Gaya s a iba, nagkaka-jeans trouble rin si Coco sa pagpili ng right jeans para sa kanya.

“’Pag bumibili ako ng jeans, sukat sa beywang pero madalas sobrang haba. Kaya pinapaputulan ko pa para sumakto. ‘Pag nagpa-alter ka naman, hindi na proportioned ‘yung jeans. Mas malaki na ‘yung opening sa laylayan at mas maluwag sa binti,” reklamo ni Coco.

P a t u l o y p a n i C o c o , nakakapagod maghanap ng tamang jeans na kakasya sa fit niya, na kumportable siya at tama sa sukat.

“Ngayon, dahil meron nang Jag 28, hindi na natin kailangang magtiyaga sa ganun. Bukod sa magandang quality ng tela at naka-tailor fit sa atin, available sa Jag ang maraming design sa iba-ibang haba, na sukat sa ‘yo,” sabi pa ni Coco.

-NITZ MIRALLES