DEAR Manay Gina,
Matapos ang pag-aaral ko dito sa Maynila, dito ko na rin napagpasyahang humanap ng trabaho.
Dalawang taon na ang nakakalipas mula nang ako’y maka-graduate subalit hanggang ngayon ay hindi pa ako makatagpo ng gusto kong hanap-buhay. Dahil dito, pinauuwi na ako ng aking mga magulang sa probinsiya upang doon subukan ang aking kapalaran. Ang sabi nila, mas magiging masaya ako kapag magkakasama kami roon sa probinsiya.
Pero sa totoo lang, mas masaya po ako dito sa Maynila at naniniwala akong narito ang aking kapalaran. Hindi ko naman ito maikatwiran sa aking mga magulang dahil akala nila, hindi ko lamang maiwan ang aking nobyo na narito rin sa Maynila.
Ano ang aking gagawin para makumbinse silang hayaan na ako, na dito maghanap ng suwerte sa buhay. Alam kong hindi ako sasaya sa buhay-probinsiya dahil mas gusto ko talaga rito. Pero ayoko rin na magtampo sila sa akin dahil sa pagsuway sa kanilang gusto.
Bessie
Dear Bessie,
Life is choices, my dear. Kung sigurado ka sa nadarama mo, na mas masaya ka at mas susuwertehin dito sa lungsod, then that is your choice. Nasa tamang gulang ka na, at may sapat na ring pinag-aralan na magagamit mo sa pagtupad sa iyong mga pangarap. Ipaliwanag mo sa ‘yong magulang ang iyong nadarama, gaya ng ginawa mong pagpapaliwanag sa liham na ito.
Kung sakaling mali naman ang iyong desisyon, iyon ay malalaman mo rin sa madaling panahon, at may sapat ka pang panahon para tuparin ang nais ng iyong magulang. In the meantime, chase your dreams.
Nagmamahal,
ManayGina
“Dream lofty dreams, and as you dream, so shall youbecome. Your vision is the promise of what youshall one day be; your ideal is the prophecy ofwhat you shall at last unveil.”------ James Allen
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia