NEW YORK (AP) —Heads up, Swifties! Inilabas na ng Grammy award-winning pop star na si Taylor Swift ang kanyang makulay at upbeat na bagong single nitong Biyernes.
Matapos ihayag ni Taylor ang pagre-release ng kanyang bagong kanta na Me!, sa ABC television’s broadcast ng National Football League draft sa Nashville nitong Huwebes ng gabi, agad nang lumabas kahapon sa mga streaming services ang kanta kasama ng music video nito, kung saan niya nakasama si Brendon Urie ng Panic! at the Disco.
Ito ang unang single ng popstar para sa kanyang upcoming 7th album—matapos ang 2017 Reputation.
Sa panayam ni Robin Roberts sa 2019 NFL Draft, ibinahagi ni Taylor na tungkol ang bagong awitin sa “embracing your individuality and really celebrating it.”
“I think that with a pop song we have the ability to get melodies stuck in people’s heads and I just want it to be one that makes (people) feel better about themselves,” paliwanag ng Love Story hitmaker.
Isinulat ni Taylor ang Me! kasama si Brenmdon at co-producer Joel Little, ang New Zealander na kilala sa pag-produce ng 2013 debut album ni Lorde na Pure Heroine, pati na rin ang mga awitin para sa Imagine Dragons at kay Khalid.
Ilang linggo bago ang paglabas ng bagong single, nagpatikim na si Taylor ng mga clues para sa kanyang bagong project, sa social media, kung saan na-predict ng mga swifties na makakasama niya si Brendon sa proyekto.
Nitong Huwebes, ginulat ni Taylor ang kanyang daan-daang tagahanga nang bisitahin niya ang isang mural na ipinagawa niya sa Nashville.
“I’ve never been more proud of your FBI level detective skills,” pagbabahagi ni Taylor sa kanyang Instagram.
“I can’t believe how much they care — so it makes it more fun for me to create music, to create music videos,”pagbabahagi pa niyasa interview.