Isang pribadong chopper ang bumulusok sa isang fishpond sa Malolos City sa Bulacan ngayong Huwebes, na ikinamatay ng dalawang pasahero nito, ayon sa awtoridad.

Sa ulat mula sa Malolos City police, ang dalawang nasawi ay lalaki at nalagutan ng hininga sa pinangyarihan. Ang ikatlong pasahero ng helicopter ay isinugod sa ospital dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Wasak ang helicopter (RP C8098), base sa ulat.

Habang isinusulat ito, patuloy ang paghahanap ng mga pulis at rescuers sa iba pang posibleng pasahero sa pinangyarihan sa Barangay Anilao.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng insidente.

-Aaron Recuenco