Casimero, bagong Pinoy three-division world champion

CARSON, California – matikas na nakihamok si dating two-division world champion John Riel Casimero ng Pilipinas at naisalba ang dikdikang laban upang maitala ang pahirapang 12th round stoppage kontra Mexican slugger Ricardo Espinoza Franco at makamit ang WBO Interim world batamweight title Sabado nggabi (Linggo sa Manila) sa Dignity Health Sports Park dito.

NAGBUNYI ang Team Casimero matapos ang impresibong TKO win ni Jihn Riel laban sa Mexican fighter.

NAGBUNYI ang Team Casimero matapos ang impresibong TKO win ni Jihn Riel laban sa Mexican fighter.

Ang laban ay isa sa undercard ng suwelo nina Danny Garcia at Andrian Granados.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pinaluhod ni Casimero (27-4-0, 17KOs) si Franco (23-3-0, 20KOs) sa ika-anim na round, ngunit nakabangon ang Mexican knockout artist at patuloy na nakipagpalitan ng bigwas sa Pinoy.

Sa kabila ng hirap ta paghahabol sa ilang pagkakataon, nakakuha ng puwang si Casimero at isang malakas na bigwas ang ipinatama sa karibal para muli itong mapatumba sa ika-12 round. Muling nababawi ang Mexican, ngunit hindi na nilubayan ni Casimero ang banat para magdesisyon si referee Rudy Barragan na itigil ang laban at ibigay ang panalo sa Pinoy may 44 segundo ang nalalabi sa final round.

Matapos mabigo sa kababayang si Jonas Sultan nitong Sep. 16, 2017, balik sa pedestal si Casimero tangan ang ikatlong division title.

Ang regular WBO world bantamweight championship ay tangan ni Zolani Tete ng South Africa na nakatakdang magdepensa ng korona kontra Pinoy Nonito Donaire Jr. sa April 27 sa Lafayette, Louisiana para sa WBSS tournament.

Nauna nang nakamit ni Casimero ang BF light flyweight at flyweight world titles.

Bunsod ngpanalo ng ipinagmamalaki ng Ormoc, Leyte, si Casimero ang ikalimang Pinoy three-division boxing world champion katulad ng idolong sina Manny Pacquiao, Nonito Donaire Jr., Jerwin Ancajas, at Vic Saludar