Arestado ang tatlong lalaki, na nakumpiskahan umano ng 22 marijuana bricks at tubes, sa checkpoint sa Bontoc-Kalinga Road, partikular na sa Barangay Bontoc Ili sa Bontoc, Mountain Province.

ARESTADO! Nakuhanan ng 22 marijuana bricks at tubes ang tatlong lalaki sa checkpoint sa Bontoc-Kalinga Road sa Bgy. Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province, nitong Linggo ng umaga.

ARESTADO! Nakuhanan ng 22 marijuana bricks at tubes ang tatlong lalaki sa checkpoint sa Bontoc-Kalinga Road sa Bgy. Bontoc Ili, Bontoc, Mountain Province, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ni B/Gen. Israel Dickson, director ng Police Regional Office-Cordillera, ang mgta naaresto na sina Paolalphiny Canilao Octavio, 20, estudyante, ng Bgy. Putatan, Muntinlupa City; Jaden Rongavilla Residuo, 20, ng Bgy. Buli, Muntinlupa; at John Lloyd Ocampo Rojales, 21, ng Bgy. Buli, Muntinlupa.

Ayon kay Dickson, isang concerned citizen ang nagsumbong sa pulisya na ibibiyahe ng tatlong suspek ang nasabing ilegal na droga sakay sa isang pampasaheropng jitney sa rutang Tinglayan-Bontoc.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Kaagad na nagkasa ng checkpoint ang mga operatiba ng Bontoc Municipal Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Mt. Province hanggang sa maharang ang mga suspek.

Nasamsam umano sa mga suspek ang 18 marijuana bricks at apat na tubular marijuana, na may kabuuang timbang na 20,004 kilo, at nagkakahalaga ng P2400,480; drug paraphernalia; iba’t ibang ID; at tatlong cell phones.

Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

-Rizaldy Comanda