Niyanig ng pagsabog ngayong Easter Sunday ang tatlong simbahan at tatlong luxury hotels sa Sri Lanka, at nasa 138 katao ang namatay, habang mahigit 400 iba pa ang nasugatan.

NAKAGIGIMBAL Naiwan ang sapatos sa harap ng St. Anthony’s Shrine, Kochchikade church sa Sri Lanka matapos ang pambobomba sa lugar ngayong Easter Sunday. REUTERS

NAKAGIGIMBAL Naiwan ang sapatos sa harap ng St. Anthony’s Shrine, Kochchikade church sa Sri Lanka matapos ang pambobomba sa lugar ngayong Easter Sunday. REUTERS

Mahigit 50 ang nasawi sa St. Sebastian’s gothic-style Catholic church sa Katuwapitiya, nasa hilaga ng Colombo, ayon sa pulisya, at makikita sa mga litrato na nagkalat ang mga duguang bangkay sa sahig ng simbahan, habang nawasak naman ang bubong nito.

Iniulat ng media na nasa 25 naman ang napatay sa isa pang pag-atake sa isang evangelical church sa Batticaloa, sa silangang bahagi ng bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binomba rin ang mga hotel na Shangri-La Colombo, Kingsbury Hotel sa Colombo, at ang Cinnamon Grand Colombo. Hindi naman malinaw kung may mga nasawi rin sa tatlong hotel.

Kabilang sa mga nasawi ang siyam na dayuhan, ayon sa pulisya.

Wala pang umaako sa mga pag-atake sa bansa na ilang dekadang may digmaan sa mga rebeldeng Tamil hanggang noong 2009.

Ayon sa mga grupong Kristiyano, sa nakalipas na mga taon ay tumitindi ang nararamdaman nilang intimidation mula sa ilang extremist Buddhist monks. Noong 2018, nagkaroon pa ng mga labanan sa pagitan ng mayoryang Sinhalese Buddhist community at mga minoryang Muslims, at iginigiit ng mga Buddhist na sapilitang pinagko-convert sa Islam ang mga tao.

Samantala, nagpatawag ng national security meeting si Prime Minister Ranil Wickremesinghe sa kanyang bahay ngayong Linggo ng hapon.

“I strongly condemn the cowardly attacks on our people today. I call upon all Sri Lankans during this tragic time to remain united and strong,” tweet niya.

“Please avoid propagating unverified reports and speculation. The government is taking immediate steps to contain this situation.”

Sinabi naman ni President Maithripala Sirisena na inatasan na niya ang special task force ng pulisya at militar na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng mga pag-atake.

-Reuters