Ito ang balita na talaga namang deserving ng high five!

HIGH FIVE

Ibinahagi ng isang Canadian company ang tagumpay ng mga empleyado nito makaraan nilang maitala ang Guinness World Record sa pagkumpleto ng 509 high fives sa loob ng tatlong minuto, ulat ng United Press International.

Ayon sa mga empleyado ng Johnston Group sa Winnipeg, napagdesisyunan nilang ipagdiwang ang National High Five Day sa pagtatala ng bagong Guinness record para sa “most high fives relay” sa loob ng tatlong minuto, na dating hawak ng London, sa 492 high fives nito noong Hulyo 2017.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Isang grupo na may 33 empleyado ang nag-ensayo nang ilang buwan para higitan ang naunang record.

"It took us a while to get a technique, and we realized, how can we be faster?" anang isa sa mga empleyado. "Every time we would try to better ourselves."