Target: Wala nang Pinoy na nagugutom sa 2013!

Cabinet Secretary Karlo Nograles

Cabinet Secretary Karlo Nograles

Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na aprubado na ni Pangulong Duterte ang dalawang executive order para sa pagsugpo sa pagkagutom at sa maayos na pangangasiwa sa water supply sa bansa, at ilalabas na ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Sa media forum, sinabi ni Nograles na inaprubahan na ni Duterte ang draft na lumilikha ng task force na layuning matuldukan ang pagkagutom ng mga Pilipino pagsapit ng 2030.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“The President will soon be issuing an executive order creating a Zero Hunger Inter-Agency Task Force composed of members of the Cabinet that will seek to eradicate hunger in the country by 2030,” ani Nograles.

“This is being done because the President and the members of the Cabinet recognize that we have to adopt additional measures to combat hunger given how data shows that it is problem that cannot be ignored,” dagdag niya.

Sinabi ng dating kongresista na ito ang naging hakbangin ng pamahalaan dahil sa ngayon, nasa 2.4 milyong pamilya ang dumaranas ng gutom, habang 13.7 milyong bata ang kulang sa nutrisyon, at nasa ikalimang bahagdan ng mga Pinoy edad lima pababa ang kulang sa timbang.

Mismong si Nograles ang mamumuno sa task force, katuwang ang Department of Social Development and Welfare (DSWD) at Department of Agriculture (DA) bilang vice chairs. Ang task force ay bubuuin ng 36 na opisyal.

“The Duterte Administration is committed to find a way to properly feed our people, just as it has taken decisive steps to address the water crisis. The EO on water has been approved in principle and should be released soon,” sabi ni Nograles.

Tiniyak din ni Nograles na ilalabas din ng Pangulo ang EO sa water supply management na magsusuri sa mga kasunduan ng pamahalaan sa mga water concessionaires at distributors habang sinosolusyunan ang sanitasyon, irigasyon, flood at watershed management, pagpopondo, at pagbubuo ng mga polisiya.

Sinabi rin ni Nograles na pinag-aaralan pa ng Pangulo ang kasasapitan ng mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay ng malawakang water crisis noong nakaraang buwan, at ihahayag ang magiging pasya nito sa Lunes, Abril 22.

Argyll Cyrus B. Geducos