Sumiklab ang apoy sa Sta. Cruz Parish Church sa Manila nitong Biyernes ng gabi.

HOLY FRIDAY FIRE Sa kuhang larawan ni Mark Bituro, makikita ang apoy na sumiklab sa Sta. Cruz Parish Church sa Maynila, nitong Biyernes. Walang iniulat na nasaktan sa insidente.

HOLY FRIDAY FIRE Sa kuhang larawan ni Mark Bituro, makikita ang apoy na sumiklab sa Sta. Cruz Parish Church sa Maynila, nitong Biyernes. Walang iniulat na nasaktan sa insidente.

Ayon kay Illoises Cornel, 24, nasaksihan niya ang pagsiklab ng apoy, na nagsimula sa candle stand, nang pumasok siya sa The Chapel of the Saints ng simbahan nitong Abril 19, sa ganap na 5:45 ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy sa kaliwang bahagi ng Sta. Cruz Parish Church sa Bustos Street Plaza sa Sta. Cruz, Maynila.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Tumagal ang sunog ng halos 20 minuto at under control bandang 5:59 ng hapon at naapula pagsapit ng 6:03 ng gabi, ayon sa BFP.

Walang iniulat na nasaktan at napinsala sa insidente maliban sa candle stand, ayon sa awtoridad.

Erma R. Edera