DAHIL sa mga nakalipas na post ni Kris Aquino tungkol sa panlalaglag umano ni Mar Roxas sa kuya niyang s i dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, nabanggit niyang susuportahan niya si senatorial candidate Bong Go, sa halip na si Mar Roxas na dating kaalyado ni PNoy.

Mar

May ilang mga tagasuporta si Kris ang kumukuwestiyon kung bakit sinusuportahan niya ang pambato ni President Rodrigo Duterte.

Bukod sa kalaban umano ito ng partidong kinabibilangan ni Noynoy, kamakailan lang ay inalmahan ni Kris nang gawin siyang katatawanan sa campaign rallies ni Go.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaugnay ito ng comedy skit ni Go kung saan nabanggit niyang “naloko” noon si Kris ng ex-boyfriend nitong si Phillip Salvador. Si Phillip ay kilalang supporter ni Go at sumasama sa campaign rallies nito.

Isang netizen na kumuwestiyon kay Kris ang sinagot ng actress/TV host.

Sabi lang ni Kris, “kaya nga DEMOCRACY ‘di ba? EDGAR ERICE: NO MALICE INTENDED.”

Matapos ang kontrobersiyal niyang pahayag patungkol kina Mar at Noynoy, nilinaw ni Congressman Erice na malapit siya sa dating pangulo at malaki ang respeto niya rito.

Ayon sa media reports nitong Lunes, April 15, ipinaliwanag ni Erice na wala siyang intensiyong sisihin si Noynoy sa pagkatalo ni Mar noong 2016 elections.

Ang ibig lang daw niyang sabihin ay blue ang piniling color theme ng kampo ni Mar para sa kampanya nito upang magkaroon ito ng sariling “identity” at hindi manatiling “Robin” o sidekick lamang ni Noynoy.

-ADOR SALUTA