HINDI na nagawang tapusin ni Sam Milby ang finale presscon ng seryeng Halik nitong Huwebes, sa R20 Events Place, dahil itinakbo na siya kaagad sa hospital dahil namimilipit siya sa sakit ng tiyan.

Sam, Yam, Yen at Jericho

Nasalubong namin ang personal assistant ng aktor na si Nene Limosnero at kinumusta namin ang aktor.

“Alaga ko may sakit, nilalagnat. ‘Yung tiyan niya,” sabi ni Nene.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hanggang sa tawagin na ang buong cast ng Halik para sa picture taking sa harap ng media, pero sa Q and A ay wala na si Sam.

“Itinakbo ko si Samsam dito sa St. Lukes, birth mate. Sabi ng doktor, stomach flu,” update ni Nene sa amin.

Ang stomach flu at gastroenteritis ay iisa, at kabilang sa mga sintomas nito ang abdominal cramps at pain, pagsusuka, pananakit ng katawan at ulo, at lagnat. Lahat ng ito ay naramdaman ni Sam, kaya nag-aalala na rin ang handler niyang si Caress Caballero, na kasama ng aktor.

Habang isinasagawa ang Halik Q a n d A a y kapalitan namin ng mensahe si Caress.

“ N u ’ n g kausap ko si doc, viral illness. WBC niya mababa, pero normal naman lahat pati ang wiwi (ihi) niya,” ang sabi sa amin.

Kailangan ng maraming test kay Sam kaya ipinapa-confine na siya ng doktor, pero hindi puwede dahil may taping siya kinabukasan (Biyernes).

“I asked doc kung wala namang danger, kung made-delay ang gastro check-up, kung sa Saturday pa (ngayong araw), kasi nga crucial ‘yung taping tomorrow. Sabi ng doktor depende raw.

“Tumawag si Direk Ruel (Bayani, business unit head), uunahin na lang daw kunan ang lahat ng sequences ni Sam tomorrow (Biyernes) para ma-pack-up kaagad para diretso na siya sa hospital.”

At habang tinitipa namin ang balitang ito ay kasalukuyang nasa taping si Sam ng Halik, at kapag hindi raw kinukunan ay natutulog ang aktor. Pagkatapos ng lahat ng sequences niya ay balik-hospital siya, kaya hindi na niya masisipot ang mall show ngayong Sabado. Pero susubukan niyang makapunta sa ASAP Natin ‘To bukas para sa final promo ng buong cast ng teleserye, kasama sina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion, Amy Austria, Christian Bables, Ria Atayde, at marami pang iba.

-REGGEE BONOAN