NAGSIMULA nang mag-shooting ng first movie niya si Kyline Alcantara, ang Black Lipstick, kung saan makakasama niya ang mahusay na aktres na si Snooky Serna. Ang story raw kasi ng Black Lipstick ay parang Blusang Itim, na pinagbidahan noon ni Snooky.

Kyline copy

Pero hindi lang ito ang work ngayon ni Kyline, dahil nagte-taping din siya ng afternoon prime drama series na Inagaw Na Bituin, pero hindi rin m a s y a d o n g p r o b l e m a n i K y l i n e a n g trabaho dahil sa dalawang projects ay kasama niya ang ka-love team niya, si Manolo Pedrosa, at si Migo Adecer, na kasama naman niya sa Studio 7 every Sunday.

May chance sana siyang magbakasyon ngayong Holy Week, pero nabago ang schedule niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“May taping po kami ng Inagaw Na Bituin sa Holy Monday at Holy Wednesday,” kuwento ni Kyline.

“Then may shooting po kami ng Black Lipstick ng Maundy Thursday at Black Saturday. Sa Good Friday po lamang ako makakapag-rest at mag-nilay-nilay sa bahay.

“Dapat po ay uuwi kami ng family namin sa Bicol, pero hindi kami tuloy dahil nagkaroon ng schedule ang shooting ng movie. G u s t o p o n g producer na isali ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino on September.”

An g B l a c k L i p s t i c k a y produced ng Obra Productions at idinidirek ni Julius Ruslin Alfonso. Kasama rin sa cast sina Kate Valdez, James Teng, at Angel Guardian.

W a l a p a namang alam si Kyline kung hanggang kailan pa ang Inagaw Na Bituin, wala pa raw sinasabi sa kanila ang production staff.

Pero marami na raw nae-excite kung ano ang mangyayari at pasabog na ibibigay ng afternoon prime nila, ngayong isa-isa nang lumalabas ang mga kasalanang pinaggagawa ni Lucy (Angelika dela Cruz) sa kanyang inang si Belinda (Sunshine Dizon) at sa kanya, dahil sa kasakiman nito sa pera. Ang Inagaw Na Bituin ay idinidirek ni Mark Reyes, at napapanood daily after ng Bihag sa GMA 7.

-NORA V. CALDERON