HANDA na si Darren Espanto na i-level up ang kanyang career.

Darren

Magtatanghal ang batang Pinoy singer sa finals ng Singer 2019 ngayong Biyernes.

Lumutang ang balita makaraang mag-post si Darren ng announcement sa kanyang Instagram stories. Dinagsa tuloy ng tanong ang singer mula sa kanyang mga fans.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kasunod nito, kinumpirma ng kanyang talent management, ang Star Magic, ang magandang balita sa isang Twitter post.

“D’ Total Performer Darren Espanto will be performing at The Singer 2019 Finals on April 12 at 8 PM!!,” post ng Star Magic.

Kaagad namang humamig ng suporta si Darren mula sa netizens.“Darren is so blessed. Congratulations and good luck @Espanto2001,” sabi ng isang netizen.

“Hope we could watch @Espanto2001. So proud of you. GOD Bless you more Darren,” sulat ng isa pa.

Wala nang iba pang detalyeng inilabas kaugnay ng nasabing pagtatanghal ni Darren.

Noong nakaraang taon, kinatawan ni KZ Tandingan ang Pilipinas sa nasabing kumpetisyon sa China.

-REGINA MAE PARUNGAO