Warriors at Rockets, posibleng magpang-abot sa second round ng West playoff
MIAMI (AP) — Naghabol at matagumpay na nasungkit ng Detroit Pistons ang huling upuan sa Eastern Conference playoff.
Ang naghihintay sa kanilang pabuya: first round series laban kay MVP candidate Giannis Antetokounmpo at sa Milwaukee Bucks.
Naging maaksiyon at kapana-panabika ng huling araw para sa pagtatapos ng regular season, kung saan pito sa walong first-round playoff matchups ay napormalisa sa huling araw ng laban.
Sisimulan ng two-time defending champion Golden State Warriors ang kampanya para sa ‘three-peat’ at ikaapat sa huling limang season laban sa Los Angeles Clippers.
"It's not going to be as easy as people think it is," sambit ni Warriors star Kevin Durant.
Ito ang maganda sa playoffs, kahit alam na ang hirap para sa mga koponan.
Sisimulan ang first-round games saw along series sa Sabado (Linggo sa Manila) at ang second round at lalarga sa April 27, habang ang conference finals ay sa Mayo 12. Target ang NBA Finals sa Mayo 30.
Sa Eastern Conference, ang matchup na nakumpleto bago ang final regular season ay ang laban ng No. 4 Boston at No. 5 Indiana.
Lahat, maging ang West matchups ay nakumpleto lamang sa pagtatapos ng Game 82 nitong Miyerkules.
Haharpin ng Bucks, ang NBA's top overall seed, ang Pistons. Mapapalaban ang No. 2 Toronto sa No. 7 Orlando, lalaro sa unang postseason mula noong 2012. At ang No. 3 Philadelphia kontra No. 6 Brooklyn.
Sa West, naghabol ang Portland ng 28 puntos laban sa Sacramento, habang tinapis ng Denver ang kampanya sa 15-0 run kontra Minnesota.
Haharapin ng top-seeded Golden State ang eighth-seeded Clippers, na alam nab ago pa matapos ang regular season, habang ang nalalabing laban ay naging pahirapan para sa No. 2 Denver kontra No. 7 San Antonio, No. 3 Portland laban sa No. 6 Oklahoma City at No. 4 Houston kontra No. 5 Utah.
Sa takbo ng kaganapan, posibleng magkaharap ng maaga ang Warriors at Houston, nagtuos sa West Finals sa nakalipas na dalawang season. Bunsod nito, walang magaganap na rematch sa West Finals.