Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Navy ang tinatayang aabot sa P60 milyong halaga ng imported na sigarilyo sa Zamboanga City, kamakailan.

SIGARILYO

Ayon kay BoC Zamboanga City District Collector Segundo Barte, Jr., ang nasabing kontrabando na binubuo ng 200 kahon ng sigarilyo ay naharang sa dalampasigan ng Lower Calarian, sakay ng M/J Andrea-I, nitong Lunes, dakong 9:00 ng gabi.

Hinakot aniya ng nasabing sasakyang-pandagat ang nasabing sigarilyo sa Jolo, Sulu at ibebenta sana ito ng sindikato sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Our (BoC) police operatives and navy personnel spotted the watercraft approaching a private wharf  along the coast of Lower Calarian in this city, Monday night. When they conducted  an inspection, they found out that the watercraft was carrying an estimated 200 cases of imported cigarette,” sabi nito.

Matagal na aniyang ban o ipinagbabawal sa bansa ang nasabing inangkat na sigarilyo kaya’t sinamsam ito ng mga awtoridad.

Itinago aniya ang mga nasabing sigarilyo sa loob ng drum ng tubig at idineklara itong shipment upang hindi mabuking ng mga awtoridad.

-Nonoy E. Lacson