TIYAK na magbubunyi ang followers nina Kim Chiu at Xian Lim dahil balik-teleserye sila sa ABS-CBN under Dreamscape Entertainment.

Kim copy

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay on-going ang storycon ng bagong teleserye ng KimXi, base sa nakita naming post ng ilang dumalo na hinihingan namin ng detalye.

Ang titulo ay Love Thy Woman, na hawig ang kuwento sa pelikulang Crazy Rich Asians na ipinalabas worldwide noong isang taon at kumita nang husto.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Obviously s i X i a n ang mayaman, tulad ng karakter ni Henry Golding, at si Kim naman ang ordinaryong babaeng tulad ni Constance Wu, na mapupusuan ng binata.

Ang mga nakita naming kasama sa cast ay sina Christopher de Leon, Ruffa Gutierrez, Karl Gabriel, Eula Valdez, Erich Gonzales, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz, Jennifer Sevilla, at iba pa mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

Anyway, tatlong taon na rin ang nakalipas nang huling mapanood ang KimXi sa seryeng The Story of Us (2016), na kinunan sa Palawan at New York City, USA mula sa Star Creatives.

As of now ay wala pang ibinigay kung kailan ang target airing ng Love Thy Woman, na nakatitiyak na kaming aabangan ng lahat dahil sa napakalaking cast nito mula sa Dreamscape Entertainment.

-REGGEE BONOAN