Hinga-hinga na, mga motorcycle riders!

Pangulong Rodrigo Duterte sa National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) Annual Convention sa Iloilo City nitong Sabado ng gabi.

Pangulong Rodrigo Duterte sa National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) Annual Convention sa Iloilo City nitong Sabado ng gabi.

Ipasususpinde ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng Motorcycle Crime Prevention Act, dahil may mga probisyon itong hindi papabor sa mga motorcycle riders, at hindi rin naman makatutulong sa pagsugpo sa krimen.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) Annual Convention sa Iloilo City nitong Sabado ng gabi.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa kanyang speech, sinabi ni Duterte na kakausapin niya si Senator Richard Gordon at ang Land Transportation Office (LTO) upang huwag munang ipatupad ang nasabing batas. Si Gordon ang may akda ng Motorcycle Crime Prevention Act.

“I will talk to just one—Senator Gordon. Sabihin ko sa kanya na, 'Alam mo ibang countries, as a matter of fact all countries, walang plate number—all motor vehicles, walang plate number sa harap. Diyan lang 'yan sa likod.

“So I will try to convince the LTO to maybe hang onto it. I-suspend ko lang muna kasi it is not good,” ani Duterte.

“Palagay ko (I think) it would really not make a difference. The criminals of the Philippines have perfected the art of falsifying, fabrication,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ng Presidente, isa ring motorcycle enthusiast, kung bakit niya pinirmahan ang nasabing batas, na iprinotesta ng libu-libong riders sa National Unity Ride kamakailan.

“Alam mo kasi kung bakit pinirmahan ko? Ang pulis tao ko, ang military tao ko. Ano ang irekomenda nila I will adopt it basta maglagay lang ng rationale,” aniya.

Binigyang-diin din niya na delikado sa kaligtasan ng mga riders, at maging ng mga pedestrian, ang malaking plaka sa harap ng motorsiklo.

“It is dangerous to place another gadget, lalo na may kanto. May kanto 'yang plate number, eh. It could be a plastic or it could be an aluminum. But still with an impact na ganoon, tutusok 'yan sa helmet mo. Delikado, eh,” aniya.

Binanggit din ni Duterte ang aniya’y napakalaking halaga ng multa sa mga lalabag sa nasabing batas, at sinabing kukumbinsihin niya si Gordon na babaan ito.

“Mahal masyado, Sir, yung fine. P50,000. Masyadong mataas. P50,000 is mas mahal pa sa motor ang yawa,” ani Duterte.

“I'm willing P10- to P15,000. Pero kung maaari, I go to the barest minimum, it should not go lower than—eh kasi sa enforcement siyempre may bayad—mga P10,000. Kung ayaw nila then P15 [thousand]. Mag-haggle na lang ako.

“Lakihan na lang ninyo ang plate number sa likod by one-fourth. Para makita talaga ‘yung number. Just to remove the objection diyan.

“Tutal ang importante talaga yung sa likod. Yung sa harap medyo... kung may barilan diyan hindi mo naman tignan 'yan. Pero kung paalis na… That's the reason why it's only placed at the back,” paliwanag pa ng Pangulo.

Argyll Cyrus B. Geducos