Ipinaaaresto ni Senator Richard Gordon sa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang dating pulis na si Eduardo Acierto dahil sa pagkakasangkot umano sa P11-bilyon drug shipment sa bansa.

Eduardo Acierto (Kuha ng NY Times)

Eduardo Acierto (Kuha ng NY Times)

“Please have him arrested, and have him face the charges against him before the regular courts,” pakiusap ni Gordon.

Naiulat na nagtatago na si Acierto matapos lumantad kamakailan upang ibunyag na nagpadala siya ng intelligence report sa Malacañang, PNP, PDEA at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at idinawit niya sa illegal drug trade ang dating presidential adviser na si Michael Yang.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Gayunman, sinabi ni Acierto na hindi umano umaksiyon si Pangulong Duterte sa nasabing report.

Matapos ang pagbubunyag ni Acierto, nagtalumpati ang Pangulo kaugnay ng usapin at ipinagtanggol si Yang, kasabay ng pag-aakusa sa dating pulis na sangkot umano sa mga katiwalian.

Ayon naman kay Gordon, walang maiharap na ebidensiya si Acierto na nagpapatunay na dawit si Yang sa pagpupuslit ng illegal drugs sa bansa.

-Hannah L. Torregoza