DEAR Manay Gina,
Maganda na sana ang relasyon ko sa aking boyfriend, kaya lang nagkataong magkakontra ang pananaw namin sa relihiyon at pulitika. Dati ay hindi ko ito pansin, pero habang nagtatagal, nakakaramdam ako ng inis kapag nadidinig ko ang kanyang pangangatwiran. Kung sakali, magtagal kaya ang aming pagmamahalan kahit magkakontra kami sa religion at politics?
--Charisse
Dear Charisse,
Parang tukso naman na ang hindi n’yo pinagkasunduan ay ang dalawang tema, na bawal pag-usapan sa masasayang dinner parties. Masyado kasing seryoso ang mga Pinoy sa dalawang tema na ‘yan.
Well, wala akong paraan para malaman kung paano nakaka-survive ang mag-asawang may magkakontrang opinyon sa dalawang tema na ‘yan, pero ang alam ko, kapag committed sa relasyon ang dalawang nagmamahalan, p’wede silang mag-agree to disagree sa kahit anong bagay.
Siguro, kung posible, ‘wag n’yo na lamang pag-usapan ang dalawang topics na ‘yan. Ugali kasi ng tao na kapag maraming problema, maging ang kontrang opinyon sa mga temang ‘yan ay nagsisilbing mitsa ng away.
Nagmamahal,
Manay Gina
“Any intelligent fool can make things bigger, more complex, and more violent. It takes a touch of genius -- and a lot of courage -- to move in the opposite direction.”
--- E. F. Schumacher
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia