Napatay ang isang pulis at sugatan naman ang isang kasamahan nito nang makaengkuwentro nila ang New People’s Army sa Bauko, Mountain Province, nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Cordillera Police Regional Office (PRO-COR), nakilala ng nasawi na si Patrolman Wilfredo Padawil, nakatalaga sa 1502nd Mobile Company, Regional Mobile Force-15 sa Cordillera region.

Isinugod naman sa Benguet General Hospital ang nasugatan na si Corporal Eirphil Lapniten na binisita kahapon ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde.

Bukod dito, binisita rin ni Albayalde ang burol ni Padawil sa Sagada, Mt. Province.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bago ang insidente, nagpapatrulya ang grupo ni Capt. Veonn Madalang, ng 1502nd Mobile Company, Regional Mobile Force-15, sa Sitio Malabagan, Barangay Bangnen, nang makasagupa nila ang mga rebelde, dakong 9:30 ng umaga.

Martin A. Sadongdong