PUSPUSAN na ang paghahandang ginagawa nina Billy Crawford, James Reid at Sam Concepcion para sa kanilang April 5 concert The Cr3w sa Araneta Coliseum.

James, Billy at Sam copy

“We are competing with each other, parang elder brother of Kuya ang tawag nila sa akin which

“I don’t mind. We aim to entertain and make it the merriest night para sa mga manonood. At para sa aming tatlo nina Sam at James, this is a very memorable experience, dahil first time kaming nagkasama sa trabaho,” sabi ni Billy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon sa producers ng The Cr3w, bawat production number is a visual treat na bubusugin ang manonood. Tiniyak nilang wala itong boring moment at lahat ay uuwi nang masaya.

Ipakikita ni Billy na when it comes to dancing ay hindi pa rin siya kinukupasan ng panahon. May throwback na segment where he will revive hits na pinasikat niya years back ng tanghalin siyang heartthrob sa certain parts of Europe.

Ang special appearances nina Nadine Lustre, Coleen Garcia, at Yassi Pressman ay sapat nang dahilan kung bakit full of energy at inspired ang tatlong all-around performers.

Ang surprise duet number nina James at Nadine ay garantisadong magdudulot ng kilig sa libu-libo nilang tagahanga.

-Remy Umerez