TODAY, March 29, na ang showing ng Mystified ng Sang’gres Production Inc. nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri, at Karylle at ng director nilang si Mark Reyes.

Karylle, Sunshine, Iza at Diana copy

Umani ng maraming papuri ang digital movie nang magkaroon ng exclusive screening kamakailan.

Sina Iza, Sunshine, Diana at Karylle rin ang bida sa pelikula, na may kani-kaniyang power, hawig sa mga characters nilang ginampanan sa unang Encantadia ng GMA-7, na pinagbidahan nilang apat 2005.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Last year ay muling nagkasama-sama ang apat, dahil matapos gawin ni Direk Mark ang Encantadia in 2016, muling nag-request ang mga fans ng original na mga Sang’gre na kung puwede ay pagsama-samahin sina Iza, Karylle, Diana, at Sunshine at gumawa muli ng another version ng Encantadia.

Pero problema ang network, dahil sina Sunshine at Diana ay nasa GMA at sina Iza at Karylle naman ay nasa ABS-CBN. Kaya naisip ng apat na magtayo ng sarili nilang production at movie ang gagawin nila.

Hence, nabuo ang Sang’gres Productions, Inc. at ginawa nilang digital movie ang Mystified na ipalalabas na sa iFlix.

Dahil nasa iFlix, puwede itong mapanood sa iba’t ibang bansa, at so far, maipapalabas na ito sa may 22 countries.

Magandang balita naman sa mga fans ng mga Sang’gre abroad, dahil balitang dadalo ang apat sa premiere ng Mystified sa ilang countries. Mauuna nilang puntahan ang Indonesia at Malaysia.

-Nora V. Calderon