INAMIN ni Mark Herras na mutual decision nila ng 1st Filipina Reina Hispanoamericana titlist na si Winwyn Marquez ang paghihiwalay nila.

Mark at winwyn copy

January, 2019 pa sila nagpaalam sa isa’t isa, na una nang inamin ni Winwyn sa isang presscon nitong February.

Kaya ngayong nakausap na si Mark sa mediacon ng bago niyang project sa GMA Network, ang Bihag, ipinaliwanag na rin niya ang break-up nila after three years ng kanilang relasyon.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Dumating na kami sa punto na konting usapan, nagiging malaki na,” sabi ni Mark. “Kaya nagdesisyon na rin kaming maghiwalay na since hindi na healthy ang nangyayari sa amin.

“May pressure sa kanya, may pressure sa akin, kaya nag-usap na kami nang maayos. Pareho naming gustong harapin ang aming mga trabaho. Ako ngayon, gusto kong i-maximize ang time ko sa trabaho.

“Pero marami akong natutuhan sa aming naging relasyon ni Win. At alam kong magiging supportive pa rin siya sa akin, ganoon din naman ako sa kanya. May work din siyang bago dito sa GMA.”

Although matapos ang break-up nila ay hindi pa muna sila nag-uusap, ayaw niyang magsalita nang tapos na wala na silang balikan. Basta focused na muna siya sa work, dahil medyo mahirap ang role na ginagampanan niya sa Bihag.

“Kailangan ko rin pong pag-aralan ang role ko bilang si SPO1 Larry Pineda, isang honest police officer, at kaklase ko si Jessie, played by Max Collins.

“Maganda ang Afternoon Prime series namin na puno ng action, mystery and suspense. Sana po ay subaybayan natin ang story ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na nawawala, na ibibigay ang lahat para matagpuan ito,” sabi ni Mark.

Ang Bihag ay sa direksyon ni Neal del Rosario, at mapapanood na simula sa Monday, April 1, pagkatapos ng Inagaw Na Bituin sa GMA 7.

-NORA V. CALDERON