TAGUMPAY ang clean up drive na pinamunuan ni Enchong Dee sa Baseco, Manila na tinawag niyang “Return The Tide Against Plastic Pollution”, na isinagawa noong March 17. Kasama ni Enchong sina Ria Atayde at ang Reef Check Philippines.

Enchong at Maricel copy

Post ni Enchong: “I can’t wait. Sobra ko talagang gusto gawin to! Let’s make sure we have a cleaner Philippines...air, water, and land!”

Positive ang reaksyon netizens sa ginawa nina Enchong at nabanggit nitong first drive pa lang ito ng grupo nila. At sabi pa niya, “maybe you can give some of your time”, kaya hindi kami magugulat kung sa susunod na clean up drive nina Enchong ay mas marami ang sumama sa kanila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nag-post din si Enchong ng “after” ng kanilang clean up driver at makikita ang maraming sako ng basura na kanilang nakuha. Natuwa sa kanya si Gary Valenciano at ang sabi, “Good good, good job Enchong! I admire your efforts with BASECO!!!”

Samantala, natameme si Enchong at na-star struck nang magkita sila ni Maricel Soriano. Sabi pa niya, hindi siya nakapagsalita nang maayos at lalong hindi siya nakapagsalita nang kausapin siya ng Diamond Star.

“I didn’t know you know my name, my body of work, more so a particular scene in one of my series. If one day matupad ‘yung pagkakataon na magkatrabaho tayo promise to be on my A-game... the Diamond Star, ladies and gentlemen.”

-Nitz Miralles