Dumagsa ang libu-libong motorcycle riders sa People Power Monument sa Quezon City ngayong Linggo ng umaga para sa National Unity Ride kontra sa pagkakaroon ng mas malaking plaka para sa motorsiklo.

UNITED WE RIDE Mahigit 10,000 motorcycle riders ang nagsama-sama para sa “Unity Ride” kontra sa Motorcycle Crime Prevention Act, na nagtatakda ng mas malaking plaka para sa motorsiklo, na ayon sa kanila ay magdudulot ng panganib sa kanilang pagbibiyahe. (ALVIN KASIBAN)

UNITED WE RIDE Mahigit 10,000 motorcycle riders ang nagsama-sama para sa “Unity Ride” kontra sa Motorcycle Crime Prevention Act, na nagtatakda ng mas malaking plaka para sa motorsiklo, na ayon sa kanila ay magdudulot ng panganib sa kanilang pagbibiyahe. (ALVIN KASIBAN)

Iginiit ng mahigit 10,000 riders na magdudulot ng matinding panganib sa mga rider at maging sa publiko ang Motorcycle Crime Prevention Act na inaprubahan kamakailan, kaya mariin nila itong tinututulan.

Tatlong lane sa EDSA-White Plains northbound ang inokupa ng libu-libong rider, kaya naman tumindi pa ang trapiko sa EDSA.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Pagkatapos ng programa, dumiretso ang motorcade ng mga riders sa Trinoma, saka nag-U-turn papunta sa southbound lane patungo sa SM Mall of Asia (MOA) hanggang sa Macapagal at Diokno Boulevards, at tinumbok ang Senado, kung saan nagtapos ang Unity Ride.

Alinsunod sa Motorcycle Crime Prevention Act, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Marso 8, inaatasan ang Land Transportation Office (LTO) na magpalabas ng mas malaki, mas madaling mabasam, at color-coded na plaka para sa lahat ng motorsiklo sa bansa.

Dapat na sapat ang laki ng plaka para mabasa sa lasong 15 metro.

Kaagad naman itong mariing tinutulan ng transport groups, at iginiit na maaaring ikapahamak ng rider at ng mga pedestrian ang mas malaking plaka ng motorsiklo.

“If we place plates that are too big and will be affected by wind, there's no assurance that the mounting points will hold these plates in place,” sabi ni Joebert Bolanos, ng Riders of the Philippines.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Senador Richard Gordon ang LTO na maging mainat sa paggawa ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nabanggit na bagong batas.

“The government is now taking action against riding-in-tandem crimes with the enactment of this law. We should not let this law die because of poor implementation that is why the LTO should do the IRR properly,” sabi ni Gordon, may akda ng nasabing batas.

-Chito A. Chavez at Leonel M. Abasola