Kinumpirma ngayong Sabado ng umaga na pumanaw na kagabi ang executive assistant ni dating Makati City Mayor Junjun Binay na si Monalisa Bernardo, na pinagbabaril nitong Huwebes.

Kinumpirma ng Makati City Police na tuluyang binawian ng buhay si Bernardo, 44 anyos, dahil sa multiple organ failure bandang 11:12 ng gabi nitong Biyernes.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa kanang kamay at tiyan si Bernardo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Matatandaang binaril si Bernardo habang ipinaparada ang kanyang sasakyan sa tapat ng kanyang bahay sa Barangay Olympia, Makati, dakong 8:00 ng gabi nitong Huwebes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Biyernes ng hapon nang naglaan si dating Vice President Jejomar Binay ng P1-milyon pabuya para sa anumang impormasyong makatutulong sa pagtukoy sa mga suspek at pagresolba sa pamamaslang.

Jel Santos