SA July 4 na ipalalabas ang ikatlong season ng Netflix original series, ang Stranger Things.

STRANGER THINGS_

Inilabas ng Netflix nitong Miyerkules ang official trailer ng Stranger Things: The Game na pinagkaguluhan ng fans sa buong mundo.

“One summer can change everything,” caption ng Netflix video.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Napanood sa 3-minute preview na ang paborito ng lahat na “not kids anymore'” squad — Eleven (Millie Bobby Brown), Mike (Finn Wolfhard), Will (Noah Schnapp), Lucas (Caleb McLaughlin), Dustin (Gaten Matarazzo), and Max (Sadie Sink) — at ang kanilang bagong nakakatakot na summer adventure.

Makakasama pa rin nila sa paglalakbay sina Billy Hargrove (Dacre Montgomery), lovebirds Jonathan Byers (Charlie Heaton) and Nancy Wheeler (Natalia Dyer), at ang bagong fan favorite na si Steve “Dustin’s dad” Harrington (Joe Keery).

Samantala, pinananatili pa rin nina Hopper (David Harbour) at Joyce Byers (Winona Ryder) ang kapayapaan at kaligtasan ng mga bata at ng Hawkins.

Ang Stranger Things ay isang Netflix original series na nilikha ng The Duffer Brothers. Ang ikatlong installment nito ay mapapanood dalawang taon makaraang ilabas ang ikalawang season.

-NOREEN JAZUL