KUNG may isang taong iginagalang at tinitingala si Bea Alonzo, ito ay walang iba kundi si Charo Santos-Concio, dating beauty titlist, batikang aktres, at dating presidente ng ABS CBN.

“Isa siyang totoong tao and my mentor. Ever since ay Ma’am Charo ang tawag ko sa kanya bilang paggalang,” sabi ni Bea.

“Lagi niyang ipinapaalala to put my feet firmly on the ground. I looked up to her because she is a woman of strength and she cares for all of us.”

Thirteen years old si Bea nang una niyang ma-meet si Ms Charo, at noon pa man ay na-sense na raw ng huli na may star quality si Bea.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa kabilang banda, hindi naman inakala ni Bea na isang araw ay magsasama sila ni Ms Charo sa isang pelikula, ang Eerie, a horror movie, at isang co-production venture with Singapore.

Para kay Bea, ang rare opportunity na makatrabaho si Ms Charo ay another milestone sa kanyang matagumpay na movie career.

Directed by Mikhail Red, naidaos na ang premiere night ng Eerie sa Singapore, kung saan umani ito ng papuri.

Showing na ang pelikula sa Wednesday, March 27.

-REMY UMEREZ