Tinatayang aabot sa P21.5 milyong halaga ng tanim na marijuana ang binunot at sinunog ng mga tauhan ng mga awtoridad sa Tinglayan, Kalinga, kamakailan.
Ito ang ipinahayag ni Police Regional Office (PRO)-Cordillera director, Chief Supt. Israel Dickson.
Aniya, resulta lamang ito ng pagsalakay ng mga tauhan ng Tinglayan Municipal Station, Drug Enforcement Unit, Provincial Mobile Force Company at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa taniman ng marijuana sa Barangay Loccong, ng nasabing bayan.
Tiniyak pa ng opisyal na tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawa nilang kampanya laban sa iligal na droga hangga’t hindi nauubos ang plantasyon ng marijuana sa lalawigan.
-Rizaldy Comanda