BAGO pa mai-plug ni Bayani Agbayani ang movie niyang Pansamantagal, inusisa na siya ni Boy Abunda kung totoong tinanggihan niya ang alok ni Coco Martin na lumabas siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Bayani copy

Dahil dito, maraming netizens ang nayabangan kay Bayani sa pagtanggi niyang lumabas sa top-rating teleserye ng ABS-CBN.

Nagpaliwanag naman si Bayani sa guesting niya kamakailan sa Tonight With Boy Abunda.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Nagkita kami noon n i Co c o Ma r t i n s a Araneta Coliseum at sinabi niyang ‘lumabas ka naman sa teleserye ko’. Siyempre natuwa ako, at sino naman ako para tumanggi lalo na’t si Coco mismo nag-imbita.

“Two weeks later ay tinawagan ako ng staff ni Coco, kaya lang nagkaroon ng conflict sa taping schedule. Natapat ito sa taping ko every MWF ng Sana Dalawa ang Puso Ko, na ang role ko ay bilang ama ni Jessy Mendiola.

“I have to honor my commitment sa teleseryeng Sana,” sabi ni Bayani.

Tungkol naman sa first time niyang pagbibida sa pelikula, sinabi ni Bayani na sadyang naiiba ang Pansamantagal, dahil may maseselang tagpo sa pelikula at mga dayalogong hindi pambata.

Ewan na lang kung hindi nagbibiro si Bayani nang sabihin niyang may frontal nudity siya sa movie. Careful, careful kung ganu’n!

S h o w i n g n a ngayong Miyerkules ang Pansamantagal, with Gelli de Belen a t DJ Chacha, s a direksiyon ni Joven Tan.

-Remy Umerez