Lodi ang mga batang ito!

NAGLALAGABLAB Sunog sa Yuseco Street sa Abad Santos, Tondo, Maynila, nitong Marso 16 ng gabi. (RIO DELUVIO)

NAGLALAGABLAB Sunog sa Yuseco Street sa Abad Santos, Tondo, Maynila, nitong Marso 16 ng gabi. (RIO DELUVIO)

Awtomatiko ka nang maaalerto kung nasusunog ang iyong bahay, sa pamamagitan ng internet-based fire alarm system na binuo ng ilang senior high school students sa Maynila.

Tinawag na "FLAME" o Fire Luminosity and Multisensory Equipment, ang fire alarm system na ito ay gumagamit ng heat signature mapping at ng multi-sensor system na magde-detect kung may apoy at magbibigay ng abiso sa may-ari ng bahay sa pamamagitan ng isang mobile app.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Binuo ng mga estudyante ng Mapua University, sa tulong ng pondo mula Department of Science and Technology-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD), sa ilalim ng Young Innovators Program (YIP), ang FLAME.

Hangad ng proyekto na mapababa ang kaso ng casualties at pagkasira ng mga ari-arian mula sa sunog sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mabilis at mas tiyak na impormasyon sa mga awtoridad.

Gumagamit ang mga mag-aaral ng thermal imaging camera, current sensor at isang gas sensor na nakakonekta sa Internet. Sa pamamagitan ng Internet of Things (IoT) technology, kaya nitong ma-monitor ang abnormal na init at iba pang fire hazard gamit ang video image analysis na lilikha ng “accurate early detection system”.

Nakakonekta rin sa equipment ang isang mobile application na makikita gamit ang Android device sa pamamagitan ng Arduino Bluetooth module. Gamit ang app, maaaring ipagbigay-alam ng fire hazard alerts na maipapadala rin sa Bureau of Fire Protection (BFP) para sa mas mabilis na pagreponde sa sunog.

Bukod sa fire prevention, maisusulong din nito ang tiyak at maagap na pagresponde ng mga bombero sa pamamagitan ng alert system.

Ayon naman sa Project FLAME team leader na si Alec Denji Santos, ang patuloy na pagtaas ng kaso ng insidente ng sunog sa bansa ang nagbigay sa kanila ng inspirasyon upang umisip ng paraan kung paano ito maiiwasan, at maiwasan na rin ang mga pagkasawi dahil sa sunog.

-Dhel Nazario