MALAPIT nang magtapos ang hit Af t e rnoon Pr ime series ng GMA-7 na My Special Tatay, at sa March 29 na ang final episode ng show. Bilang treat ng mga taong nasa likod ng afternoon series, may concert ang buong cast sa Music Museum sa May 11.

Rita at Ken

Billed My Special Love ang concert na may hashtag na #BoBreyinCONCERT at labas na ang ticket sa concert. Ipinost na rin ang seating arrangement sa Mus i c Mus eum at makikitang marami na ang bumili ng tickets para sa concert ng love team ng BoBrey, o Boyet and Aubrey, na mga karakter sa serye nina Ken Chan at Rita Daniela.

Natutuwa si Ken, ang gumanap sa role ni Boyet na may mild intellectual disability sa My Special Tatay, sa suporta ng viewers sa series na umabot ng seven months.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

Bukod kasi sa concert sa Music Museum, may concert din sina Ken at Rita sa Anaheim, California sa June, kasama sina Mark Bautista, Julie Anne San Jose, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Ang Star Media ang producer ng My Special Love, na producer din ng concert sa Music Museum, kasama ang GMA Music (MM concert) at GMA Pinoy TV (concert sa Anaheim).

Isa pang ikinatutuwa ni Ken at ng iba pang cast at buong production team ng My Special Tatay ang sunud-sunod na pagkakapanalo ng serye ng mga award.

Ang latest ay ang Most Deve l opment -Or i ent e d Drama Program mula sa Gandingan 2019: The 13th UPBL Isko’t Iska’s Multi- Media Awards.

Nag-pos t s i Ken ng pasasalamat sa natanggap na award: “After seeing the story of My Special Tatay develop over the past 7 months, it is such an honor for the My Special Tatay family as whole to receive this award for our teleserye.

“Speaking for myself and all those who have worked on MST, we have put our hearts into this story and into these characters, we have lived through their trials and tribulations and are so deeply touched to see all that hard work pay off in receiving an award such as this.

“Thank you for this award, Gandingan 2010: The 13th UPBL Isko’t Iska’s Multi- Media Awards from me and the entire MST family. #MySpecialTatay,” post ni Ken.

-NITZ MIRALLES