KAHIT pa inihayag na ng kampo ni Nicko Falcis na isusulong nila ang suspensiyon sa warrant of arrest nito, hindi pa rin lumalantad ang dating empleyado ni Kris Aquino para harapin ang kaso.

“How ironic? You have so much time, Nicko, to issue press releases, appear on social media platforms and attend to Gretchen (Barretto)’s ‘thanksgiving’ party but you don’t have the courage to respond on the warrant of arrest given by the Taguig prosecutor?” komento ng isang netizen sa report ng Showbiz Avenue tungkol sa pahayag ng abogado ni Nicko.

“You shouldn’t be hiding if you are telling the truth, right?”

Sa nasabing ulat, sinabi ng abogado ni Nicko na si Atty. Regi Ponferrada na maghahain sila ng omnibus motion para sa suspension ng warrant of arrest ni Nicko mula sa Taguig Prosecutor’s Office sa mga kasong estafa at credit card fraud.

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?

Matatandaang Huwebes pa dinala ang warrant of arrest sa bahay ng mga Falcis sa Quezon City, pero itinanggi ng pamilya na naroroon si Nicko.

Ang Showbiz Avenue ay may mahigit apat na milyong followers, habang umabot naman sa 509 comments at 38 shares na nagsasabing naniniwala silang alam ng pamilya ni Nicko kung nasaan siya.

“It’s very hard to be a fugitive of the law...lesson to learn...if you know you had committed something terribly wrong, show humility and learn how to accept it and ask for forgiveness wholeheartedly and with Kris’ golden heart, giving you a kind consideration and forgiveness maybe on the horizon,” komento ni Annie Santos.

Sabi naman ng OFW na si Boyet Ordiz: “Ngayon nagtatago ka na! Dati ang yabang-yabang mo! Lumabas ka na at may pa-party sa ‘yo si Greta!”

May kumuwestiyon din kung wala bang P60,000 na pampiyansa si Nicko, dahil bakit kailangan pa niyang magtago?

Payo naman si Jonalie Marohom kay Nicko: “[Kung] Ako sa kanya, ayusin niya in private, kasi may pinagsamahan sila ni Ms Kris. Mapapatawad ‘yan. ‘Wag na manira kasi ‘di naman nakakatulong, ayusin mo sana in private.”

Sadyang sinusubaybayan ng maraming netizens ang kasong isinampa ni Kris laban kay Nicko, dahil updated ang lahat, at pati ang mga taong kaibigan ng huli ay nadadamay na sa isyu. Baka raw kasi itago ng mga ito si Nicko.

Anyway, nasa bansa ba si Nicko?

As of this writing ay hindi pa nagbibigay ng komento si Kris kaugnay ng hindi pa rin pagpapakita ni Nicko. Sa halip, naglabas si Kris ng mahabang blog sa kanyang Facebook account para ikuwento ang lahat ng nangyari sa kanya nitong mga huling araw, gaya ng pagkakaaksidente at pagkakadulas niya kaya marami siyang pasa.

Naikuwento rin ni Kris ang pagkakaiba niya sa mga ate niya, na kapag may mga out-of-the-country trip sila ay walang tsine-check in na luggages kina Balsy, Pinky at Viel, kumpara sa Queen of Social Media na inaabot ng ilang maleta ang bitbit.

Dalawang buwang magbabakasyon si Kris kasama ang mga kapatid para sa isang wellness program, at well-taken care of ang lahat ng staff niya, na kahit walang work ay bayad sila.

-REGGEE BONOAN