Wala nang bawian.
Epektibo na kahapon ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.
Sa pahayag ng Commission on Human Rights (CHR), ang pagtiwalag ng bansa sa ICC ay nangangahulugan ng pagtalikod nito international treaty obligations.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, isa itong dagok para sa mga pamilya ng mga biktima ng madugong war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Isa rin umano itong pagtalikod sa mga tagumpay ng Pilipinas sa pagsusulong ng hustisya at karapatang-pantao.
Sa huli, aniya, ay mga Pilipino pa rin ang talo kung hindi nila maaasahan ang justice system na poprotekta sa mga ito.
Aniya, senyales din ito ng pagwawagi ng “impunity” sa bansa.
Nag-ugat ang pagtiwalag ng Pilipinas sa ICC na ihayag ng huli na magsisimula na sila sa pagsasagawa ng preliminary investigation sa reklamong crime against humanity laban sa pangulo dahil sa madugong anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
-Beth Camia