DEAR Manay Gina,

Plano naming magpakasal ng aking boyfriend next year. Kaso, gusto niyang imbitahin ang kanyang dating girlfriend. Close friend kasi sila bago naging mag-steady at kahit nag-break na sila, na-maintain pa rin nila ang kanilang friendship. Kaya lang, hindi ako komportable na nandu’n siya kasi maaalala ko lang ‘yung time na sila ang mag-on. Ayoko namang kontrahin agad ang bf ko.

Dear Bride,

I hope you will reconsider and not make a fuss about this. Natabunan na ng kanilang ongoing friendship ang kung anumang mayroon sila sa nakaraan. Nauunawaan ko ang damdamin mo, pero sa ganitong situwasyon, mas mainam na paganahin natin ang maturity, which in this case, would be to let the past stay in the past. Ikondisyon mo ang sarili mo, at feel generous and confident sa halip na nagseselos at nai-insecure. After all, ikaw ang pakakasalan at hindi siya. Mas gagaan ang pakiramdam mo, maniwala ka.

Nagmamahal,

Manay Gina

“Love is saying ‘I feel differently’ instead of ‘You’re wrong.”

- Robert McCloskey

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia