Naa-access mo ba ang FB at IG mo?

FB

Sa tulong ng Twitter, kinumpirma ng Facebook na dumaranas ng outages ang mga apps nito sa iba’t ibang dako ng mundo.

Maraming users ng Facebook (FB), Instagram, Messenger, at WhatsApp, ang hirap ma-access sa maraming dako ng mundo simula kagabi hanggang ngayong Huwebes, iniulat ng CNN Business.

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

Marami sa mga users na ito ay sa Twitter na lang nagbuhos ng kani-kanilang sama ng loob.

Sa ulat ng CNN, nagsimula ang outages nitong Miyerkules ng hapon (oras sa Amerika) ay nakaapekto sa maraming lugar, kabilang na sa United States, Central at South America, at Europe, batay sa mga tweet at sa report ng outage-tracking site na DownDetector.com.

“We're aware that some people are currently having trouble accessing the Facebook family of apps. We're working to resolve the issue as soon as possible,” tweet ng Facebook.

Pinabulaanan din ng Facebook ang kumalat na balita online na ang nasabing outages ay dulot ng denial-of-service (DDos) attack — isang uri ng hacking kung saan inaatake ang network ng kumpanya.

Sa isa pang tweet, sinabi ng Facebook na “the issue is not related to a DDoS attack."