James, ratsada sa panalo ng Lakers kontra sa Bulls

C H I C A G O ( A P ) — Nangungunyapit sa laylayan ng playoff mark sa Western Conference ang Los Angeles Lakers. Ngunit, hindi ito dahilan para mawalan ng gana si LeBron James.

ISINALPAK ni Philadelphia 76ers’ Ben Simmons ang dunk sa harap ng depensa ng Cleveland Cavaliers sa kainitan ng kanilang laro sa NBA. Nagwagi ang Sixers, 106-99. (AP)

ISINALPAK ni Philadelphia 76ers’ Ben Simmons ang dunk sa harap ng depensa ng Cleveland Cavaliers sa kainitan ng kanilang laro sa NBA.
Nagwagi ang Sixers, 106-99. (AP)

Hataw ang Lakers star sa naiskor na 36 puntos at 10 rebounds para sandigan ang Los Angeles Lakers sa come-from-behind 123-107 panalo kontra Chicago Bulls nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naglaro si James sa loob ng 33 minuto kung saan pinangunahan niya ang paghahabol ng Lakers mula sa 20 puntos na kalamangan sa third period tungo sa impresibong panalo na pumutol sa kanilang five-game slide.

Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 21 puntos para sa Lakers matapos ang dalawang larong pahinga bunsod ng injury sa paa, habang tumipa si Kentavious Caldwell-Pope ng 24 puntos mula sa bench.

Naunahan ng Bulls ang Lakers para makuha ang 34-16 bentahe sa first period. Nasa unahan pa rin ang Bulls sa 60-55 sa half.

PACERS 103, KNICKS 98

Sa Indianapolis, hataw si Bojan Bogdanovic sa naiskor na 24 puntos at tumipa si Darren Collison ng dalawang free throws sa huling 19.5 segundo para pagbidahan ang panalo ng Indiana Pacers kontra New York Knicks.

Naputol ng Indiana ang two-game losing streak para manatiling tabla sa Philadelphia sa No.3 sa Eastern Conference. Tumapos si Collison na may 16 puntos.

Natamo ng New York ang ikapitong sunod na kabiguan, sa kabila ng matikas na opensa nina Emmanuel Mudiay at Damyean Dotson na may tig-18 puntos.

SIXERS 106, CAVS 99

Sa Philadelphia, ginapi ng Sixers, sa pangunguna ni Ben Simmons na may 26 puntos, ang Cleveland Cavaliers.

Nag-ambag si Joel Embiid ng 19 rebounds at krusyal na opensa para sa Sixers.

Nanguna si Collin Sexton sa Cavaliers na may 26 puntos, kabilang ang layup may 3:10 ang nalalabi sa laro.

Gumanti si Mike Scott ng three-pointer bago nagpalitan ng puntos sina Simmons at Jordan Clarkson. Sinunda ito ng dunk ni Embiid mula sa sariling mintis na tira para sa 102-99 bentahe may isang minuto ang nalalabi sa laro.

Tumapos si Embiid at JJ Redick na may tig-17 puntos.

SPURS 112, MAVS 105

Sa Dallas, ratsada si DeMar DeRozan sa naiskor na 33 puntos, habang kumana si LaMarcus Aldridge ng 28 puntos para sa panalko ng San Antonio Spurs sa host team Mavericks.

Nagtumpok ng pinagsamang 11-for- 19 shooting sina DeRozan at Aldridge, gayundin sa free throw na perfect 17-of-17.

Nanguna si Derrick White sa San Antonio, habang kumana si Jalen Brunson ng career-high 34 puntos sa Mavericks at may 20 puntos si Dwight Powell.